#COSMO69

Monday, March 15, 2010

0 The Aquino Angle


It was Kris Aquino's turn yesterday to defend herself and she just did it the right way.

Noynoy is not Kris. Bakit lahat na lang ng mga nangyayari sa buhay ni Kris, ina-associate sa kandidatura ni Noynoy? Nung pinaglaban ni Kris ang marriage n'ya with James Yap, tinawag s'yang iskandalosa and as expected, dinamay si Noynoy. And now, kahit wala naman talaga s'yang kasalanan when Ruffa Gutierrez walked out sa The Buzz, pinupuntirya na naman ang candidacy ni Noynoy!

I now advocate the separation of show business and politics! Palagi na lang ganyan. 'Yan tuloy, may mga umupo and nakaupo sa public offices na mga artista na wala naman talagang alam sa pagpapatakbo ng gobyerno! Erap Estrada, Lito Lapid, ang dami-dami-dami-dami na nila!
***


Click here for the video source.

***

Kris: I got flowers from Ruffa in my dressing room. I had a beautiful note from her; ang main message nung note was sana peace. And now . . . that's also what I wish for.

But aamin po ako sa inyo on my way here, kausap ko yung tatlong kapatid kong babae. And I was saying "I think I want to say goodbye." Sinabi ko sa mga kapatid ko na tao lang ako talaga, and I said this election, parang lahat ng kagalit ni Noy, kung merong kailangang pintasan, ako parati. Tapos sinabi ko kay Ate, "Ate parang mababaliw na ako kasi . . . Mababasa mo na parang ikaw na ang pinakawalang hiyang tao sa mundo! Lalabas ka at libu-libo naman yung taong nagsasabing 'I love you Kris.'"

And I said . . . "Should I leave 'The Buzz?" tinanong ko kay Ate (Ballsy), kay Pinky at kay Viel. I didn't ask you Boy kasi this was a family decision. It's a decision na binigay ko sa tatlong kapatid kong babae . . . Kasi sinabi ko, people always say I'm a brat but I'm not a brat when it comes to my family. Sabi ko kay Ate, "'Di ba Ate napatunayan ko naman sa inyo, lahat gagawin ko para sa pamilyang ito? 'Di ba 'pag sinasabihan n'yo ako 'Kris, be humble; para matapos na, mag-sorry ka na.'" Kahit nung time na alam ko naman, wala akong masamang ginawa, ginawa ko nag-sorry ako! Ginawa ko yun para sa pamilya ko dahil nga ang pamilya ko ang sinisira!

Hindi ko in-involve si Noy sa desisyon na 'to because Noy is not a part of this show. Hindi artista si Noynoy!

Ginagalang ko ang pagka-presidente Boy dahil alam ko kung ano ang sinakripisyo ng tatay ko at ng nanay ko para magkaroon tayo ng demokrasya. Alam ko, dahil sa pinagdaanan ko this week, kung ano yung sakripisyo nung pamilya ko. Kasi kung kurakot lang po kami, kung magnanakaw lang kami, madali lahat ito eh! Pero masakit na! Masakit po sa'kin dahil ginagamit ako para sirain ang pamilya ko!

Eh nagbago naman po ako eh! Every day, I try to be the daughter that my mom deserves. Sana po nararamdaman ninyo kung ga'no kalungkot talaga. Sana alam ninyo kung ga'no kahirap . . . How much I just miss my mom! Kasi kung nandito ang mom, hindi ganito.

So my sisters told me, "Krissy, konting tiis na lang. Dalawang buwan na lang naman eh." And sinabi ni Ate sa'kin, "'Di ba hindi ka quitter?" Sinabi ni Ate, "'Di ba Krissy naramdaman mo naman eh . . . Nung nagpunta sa Zamboanga, nung nagpunta sa Iloilo, ano ba ang sinisigaw ng mga tao?" And I said, "But Ate, a person can only take so much!" And Ate said, "Don't cry kasi 'pag umiyak ka, si Noy ang naba-bother dahil 'di ba ang pinromise ni Noy, aalagaan n'ya tayo? So you have to be strong for Noy."

So they told me, sinabi ng tatlong kapatid ko, "You go there and you hold your head up high because you know deep down that you're a good person. And that Kris, at the end of the day, 'pag hindi ka na sikat, 'pag wala nang nanunood sa'yo, sino ba'ng tatakbuhan mo? Ang pamilya mo." And then sinabi sa'kin ng kapatid ko, "And we're here behind you."

Sinabi nila sa'kin na "It's a lesson. You just really have to be so careful about everything that escapes your mouth. And you just have to learn talaga Kris na all eyes are on you so just try your best to stay strong."

So ang sinabi ko sa tatlong kapatid ko, sa lahat po ng pinagdadaanan, sa lahat (ng ito) talaga, this election that I never wished for, sinabi ko, "Thank you Ate. Thank you Ate kasi love n'yo ako! At hindi n'ya pinaparamdam sa'kin na pabigat ako sa inyo." And I . . . I text Noy. I text Noy to say, "Noy, win or lose, kung ano'ng mangyari, please know we've tried our very best. And I'm not gonna disappoint you anymore and I'm not gonna give them reasons to criticize you."

Alam n'yo, yung nangyari dito last week, tapos na ho 'yon at sana nga talaga tapos na. Pero alam ko naman Boy hindi pa tapos eh . . . Kasi hanggang matapos 'tong eleksyon na 'to, lahat naman talaga na pwedeng mabato, babatuhin eh! Pero isa lang po ang mensahe ko: Hindi naman po ako ang tumatakbo!

Sige na ho, gamitin n'yo ako talaga kung gusto n'yong sirain si Noy . . . Kung ako na lang ang kasiraan ni Noy, sige, gamitin n'yo po ako! Pero pwede ko pong ipagmalaki, mabuti po ang pamilya namin. Nagmamahalan po ang pamilya namin. At minamahal po namin ang bayan natin kaya po lahat (ng ito) pinagdadaanan namin.

Maraming salamat sa lahat ng nagparamdam sa akin that they're behind our family and that they'll continue to support Noynoy whether I'm his sister or not.

And to my sisters, kay Ate, kay Pinky at kay Viel, thank you for taking the place of mom. Thank you for still loving me kahit na nagkakaro'n ng gulo dahil sa akin.

And to my ABS-CBN family, thank you very, very much for not giving up on me. And sa lahat sa inyo na nanunood, maraming maraming salamat po na for fourteen years, araw-araw n'yo 'kong pinayagan to be a part of your lives.

I am not perfect, I will never be perfect but I'm not a liar! At hindi po ako masamang tao!

Sinusubukan ko pong maging mabuting tao at hinayaan n'yo naman po ako to improve as a person.

Boy, thank you. Thank you for giving me the space last week. I don't know what else will happen; I wish I knew.

But this is the reality of life; ito po ang eleksyon dito sa Pilipinas. Eto yung pagdadaanan nung pamilya. At kung meron po akong natutunan at pwedeng ipagmalaki sa inyong lahat, sa pamilya po ni Noynoy, walang sikreto. Kung ano kami, nang dahil sa'kin, kitang-kita n'yo na.

So kung ano man ang magiging desisyon n'yo po, you will reach that decision because you know us. And maybe, by knowing our family, knowing how we were brought up, and knowing kung sino'ng mga magulang namin, sana po nand'yan kayo para sa'min. Thank you.
***
POINTS:
"'Yan kasi, ang daldal-daldal mo!" - Ang pangit naman po kung pipi ang Queen of Talk!



0 Feedback:

Post a Comment