#COSMO69

Tuesday, June 22, 2010

0 Kris cancels Twitter, Facebook accounts for Noynoy

...And for their privacy.

Last night on Showbiz News Ngayon's Instant Tanong, Instant Sagot segment, a viewer sent a tweet asking if Kris Aquino has canceled her Twitter account: "Totoo po bang na-cancel na po ni Miss Kris ang Twitter account n'ya? Why po, ano'ng reason?"

And Kris said:

"Yes, I did. I did.

"Ahh, no'ng Friday, pinasara ko na kasi, alam mo, um, it's my fault also...

"Nagtanong kasi 'yong fans. Ahh, bakit daw I was always mentioning my two sons and not James. And then I answered as truthfully as I could.

"And then the following day, may presscon si Noy and I was told na question number two na tinanong 'yon sa kapatid ko. And then he called my attention about it.

"So para wala na lang po... kasi, sinabi ko nga rin kay Tita Cory Vidanes na the purpose, ahh, na magpapaalam sa SNN at The Buzz is para hindi na masyadong maging maingay ang personal na buhay ko; para ang focus ng tao at ng ano, ng pamilya namin talaga is..."

[Boy Abunda: "Sa governance."]

"Yes," Kris continues.

"So, um, kung magtu-tweet pa ako, eh di, meron pa rin silang pagkukuhanan ng balita. So it's just being prudent na ginamit ko 'yong utak ko na mag-goodbye na lang muna.

"And to the almost, parang 250,000 silang nagfa-follow no’n and to the, alam kong more than 600,000 na nagfa-follow sa'kin sa Facebook, pagpasensiyahan n’yo po, um...

"Ginagawa ko po ito hindi dahil nagpapaka-selfish ako tungkol sa buhay ko, pero gusto ko lang pong maging mas madali ang mga susunod na buwan at susunod na taon, para po, hindi lamang kay Noy kundi para sa pamilya namin.

“And it’s hard to be quiet, ha? . . .

“And siguro, it makes sense also na kung gusto ko nga naman mag-ingay, eh di ituloy ko na lang itong SNN at The Buzz, 'di ba? So, since chino-choose kong maging quite, eh di talagang totally magpa-quiet na.”

***

Kris's last tweet:
Follow twistandtweets on TwitterFollow ralphabet on Twitter

0 Feedback:

Post a Comment