#COSMO69

Sunday, September 2, 2012

1 Huling Higop ng Taho

AUGUST 1 to September 1, 2012—Graveyard.

TODAY, September 2, before 6 a.m.—Nadurog ang puso ko.

When I first saw him, the thought was instantaneous. “What if he were my father?” He’s probably ten years older than my father, but I couldn’t help it. Every day, kailangan n’yang harapin ang katotohanang mas mabenta ang yosi kesa sa taho, pero hindi s’ya sumusuko. Sa sampung call center agents na naninigarilyo sa tabi n’ya, isa lang yata ang may chance na bumili ng kanyang paninda.

“What if he were my father?” Kaya ako nagdesisyong tulungan s’ya at subukang kilalanin. Nung unang beses kong sinubukang bumili, kinailangan kong maghintay kasi may mamang nauna sa’kin. When it was finally my turn, tiningnan n’ya lang ako sabay hugot ng pinakamaliit na basong plastik. At dahil kailangan ko s’yang tulungan, agad kong tinapik ang pinakamalaking baso. Hindi ko alam kung sanay lang ba s’yang ‘yong pinakamurang salin ng taho ang pinakamabenta, o mukha lang talaga akong “can’t afford.”

“Magkano po dito?” “Bente.” “Okay po.” Twenty pesos. Isang tricycle ride pa sana pero kailangan ko s’yang tulungan. “What if he were my father?”

The next day, feeling-feelingan ako. Umasa ako na the moment na tumapat ako sa paninda n’ya, huhugutin n’ya na kaagad yung pinakamalaking baso. But he didn’t. Turned out this face was unforgettable! “Twenty pesos po, manong.”

Sa halos araw-araw na bumibili ako ng taho kay Manong last month, halos araw-araw ko ring kinailangang tapikin pa ‘yong pinakamalaking baso. “Hindi pa rin n’ya ako natatandaan—tinatandaan!

Halos araw-araw ko ring gustong sabihing huwag sana n’yang masyadong patamisin ang tahong binibili ko, pero hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob.

Palangiti si Manong. Chinito. Ayos ang pangangatawan. Pumuputi na ang buhok. Hindi mukhang mabango, pero hindi rin mukhang mabaho. And since we hate euphemisms, and forgive for saying this, mukha s’yang nakakaawa. Si Manong yung tipong dadaan-daanan na lang ng mga social climber sa Shaw Boulevard. Isa ako sa mga social climber na ‘yon pero… WHAT IF HE WERE MY FATHER?

KANINANG UMAGA, I was crossing my fingers, hoping na sana, for the first time, hindi ko na kailangan pang tapikin ‘yong magiging baso ko ng taho. “Sana naman, makilala n’ya na ako!” But I failed.

Kinailangan ko ulit maghintay kasi may nauna sa’kin. When it was finally my turn, hinintay ko s’yang tingnan ako and i-recognize. Tumingin s’ya, pero mukha na naman siguro akong “can’t afford!”

When I realized na ‘yong pinakamaliit na namang baso ang huhugutin n’ya, sobrang nakaka-frustrate! “Manong, twenty pesos po!” Hindi ako sumigaw, pero sigurado akong hindi naging mahina ang boses ko.

“Twenty pesos po.”

“Ano?”

“Bente po.”

Tiningnan n’ya ako. Medyo nakanganga. Kumunot ‘yong noo, at sa hindi ko inaasahang pagkakataon, ngumiti s’ya sa’kin. “Ay, oo nga. Palagi ko na lang hindi tinatandaan!” Isa pang ngiti.

OH. MY. GOD! FINALLY! FINALLY! And I was wrong! Turned out this face had never been forgettable at all! Kilala na ako ni Manong. Sa isang buwan kong pagbili ng taho, alam kong kahit papa’no ay rumehistro sa isip n’ya ang suki n’yang pagod, ngarag, mukhang “can’t afford” galing sa trabaho.

For the first time, naramdaman kong nagdesisyon si Manong na tandaan ako… . na huwag nang kalimutan ulit. And for the first time, nagkaroon na rin ako sa wakas ng pagkakataong kilalanin s’ya.

“Araw-araw ka po dito, manong?”

“Oo.”

Meron pa s’yang sinasabi habang pinupuno n’ya ang baso ko ng taho nang bigla akong napaisip. Something was wrong. Yesterday was my last day on the graveyard shift, and today is my day off. Starting Tuesday, I’m back on the midshift.

Kung kelan nagdesisyon si Manong na palagi akong tandaan, saka naman dumating ang pagkakataon para muli n’ya akong makalimutan. Dahil sa mga susunod na araw, hindi na kami magkikita. Dahil sa mga susunod na araw, ilang bente rin ang mawawala sa benta n’ya.  At sa mga susunod na araw, mababawasan ang bilang ng mga taong nagbibigay sa’kin ng inspirasyon para palaging ipaalala na malayo ako sa mga magulang ko, at kailangan ko silang alalahanin palagi.

Ang hiling ko lang ngayon is that sana, sa susunod na uuwi ako mula sa graveyard shift, may Manong pa ring naghihintay sa’kin. Sana may isang mainit na baso ng taho pa ring naghihintay sa’kin. At sa pagdating ng araw na ‘yon, sana nakakapit pa rin s’ya sa desisyon n’ya kaninang umaga na subukang ako’y huwag nang muling kalimutan pa.

O pwede rin sanang sa susunod na muli kaming magkita, isang asensadong Manong na ang ngingiti sa akin. Isang taong hindi batid ang katandaan para ipagpatuloy ang buhay, hindi lang para sa kanyang sarili, but also for those people na nakadepende pa rin sa lakas n’yang unti-unting pinapahina ng paglipas ng panahon.

Hanggang sa muli, Manong.

1 Feedback:

Anonymous said...

bakla...pati ang magtataho,,, ine-emotan mo... ILUSYANADA!

Post a Comment