#COSMO69

Sunday, May 12, 2013

0 Mother's Day 2013


To my mom:
Sa higit dalawang dekada ng ating pagiging mag-ina, ang dami-dami ko nang natutunan mula sa'yo. Ikaw ang unang nagturo sa akin kung paano maglakad, at ikaw rin ang unang nagturo sa akin kung paano tumayo mula sa pagkakadapa. Ikaw ang unang yumakap sa buo kung pagkatao at sa ilang mga bagay na hindi gaanong naiiintindihan ng lipunan. Hinayaan mo akong magkasala dahil alam mong sa kabila ng lahat, may mapupulot akong aral. Ikaw ang nagturo sa akin ng kahalagahan ng pagsasakripisyo at pagiging matatag sa kabila ng lahat ng kakulangan natin sa buhay. Ikaw ang unang taong nagturo sa akin kung paano magmahal nang higit pa sa kayang ibigay ng ibang tao. Ikaw ang dahilan kung bakit patuloy akong nakikipaglaban para sa ikagaganda pa lalo ng ating buhay. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko nakakalimutang humalakhak sa kabila ng malulungkot na sandali ng aking panahon. Ikaw ang buhay ko, Mama. AT dahil super effort ako, babawasan ko ng isang libo ang padala sa sunod kong sweldo! Hahaha! I love you, Ma. Happy Mother's Day!

To our moms:
Sa Mama kong mas maganda sa'kin, sa lahat ng housewives, working moms, sa mga nanay na nasa Heaven na, sa mga dalagang inang umiwas sa abortion, sa mga nanay na miyembro ng Liga ng mga Chismosang Misis sa Barangay, sa mga nanay na hindi naniniwalang bading si Piolo Pascual, sa mga nanay na nagme-menopause na, sa mga bading na nanay, sa mga nanay na may diabetes, sa mga nanay na mahilig sa tong-its at walang pang-tuition kay Junior, sa mga nanay na mahilig magpabunot ng buhok sa kilikili, sa mga nanay na sobrang bait lalo na kapag kinsenas/katapusan, kay Edith Burgos, sa mga nanay ni Ruffa, ni Manny, at ni Bimby, happy Mothers' Day po! Kayo na! 

0 Feedback:

Post a Comment