#COSMO69

Sunday, November 24, 2013

0 Social Climbing 101

By Social (Media) Climber Ralph Revelar-Sarza
Lorde - Royals | Social climber | Social climbing | Social climbing 101
1. Kapag kasama mo ang crush mo sa mall, 'wag pumatol sa "free taste." Sa CR mo na lang iiyak ang takam o "craving."

2. Kapag malayo pa ang sweldo at hindi mo na "afford" ang mga karne-karne, ipagsigawan mong vegetarian ka para hindi sila mawindang kapag inaraw-araw mo ang ginisang repolyo.

3. Pag-aralan kung kelan gagamit ng "fuck" at "fucking" sa expressions mo para naman hindi lang puro "'tang ina" ang alam mo.

4. Mag-ipon ng pang-sine at "pikchuran" ang ticket. Patunayang hindi ka nakaasa sa pirata.

5. Kapag prepaid ang gamit mo, 'wag palaging "mag-a-unli." Patunayang nakakaluwag-luwag din kung minsan.

6. Tipirin ang padalang tsokolate at lotion ng kamag-anak sa abroad. Mas matagal maubos, mas matagal mong maipagmamayabang.

7. Huwag na huwag mong sasabihing "long sleeves" o "polo." Malakas makasosyal ang "shirt."

8. Kung "magse-selfie," iwasan ang dugyuting kurtina sa bahay. Kung pangit talaga ang paligid, i-edit ang picture at takpan ang background ng pamatay na frame!

9. Kapag nasa birthday party ng yaman-yamanang friend at gusto mong umuwi ng afritada o morcon, gawing palusot ang askal sa bahay at sabihing "Para kay pet dog."

10. Itago ang koleksyon ng Precious Hearts Romances. Magbasa ng National Geographic magazine sa MRT.

11. Kapag kasama ang crush sa dinner at fried chicken ang ulam, 'wag mong uupakan ang lahat ng laman ng manok. Nakaka-turn off tingnan ang maputlang buto. Huwag din gagalawin ang free soup as much as possible.

12. Kapag walang pang-tricycle, lakarin mo na lang. Kapag may nakakita sa'yo, sabihing you're on a diet, and you need to lose weight.

Welcome.

***

Twitter: @Ralphabet
Instagram: @photogralphs

0 Feedback:

Post a Comment